MANILA, Philippines – Sa kabila ng malakas at walang humpay na ulan at pagbaha dahil sa sama ng panahon, patuloy na naghahatid ng serbisyo ang Philippine Postal Corporation (PHLPost).
Ayon sa PHLPost, naka-duty pa rin ang mga kartero at postal frontliners sa mga lugar na ligtas at passable pa ang operasyon.
Ipinagpapatuloy nila ang paghahatid ng liham, parcel, government documents, Postal ID at iba pang mahahalagang padala.
Ngayong Agosto 19, bukas at operational pa rin ang mga post office sa NCR, Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
Paalala ng PHLPost sa publiko,maari o pansamantalang magbago ang operasyon at delivery sa mga lugar na lubhang binaha, hindi madaanan ang kalsada, o may panganib pa rin. Jocelyn Tabangcura-Domenden