Home ENTERTAINMENT Ruru, nag-emote kay Bianca!

Ruru, nag-emote kay Bianca!

2
0

Manila, Philippines – Ikinwento ni Ruru Madrid sa isang episode ng podcast ni Bianca Umali na “Simply, B Podcast” na may titulong “Paano Ako Natutong Magmahal?” kung paano siya unti-unting natutong maniwala na may tao talagang nakalaan para sa bawat isa.

Sabi ni Ruru, “‘Di ba dati parang ‘yung mga matatanda, may kasabihan na mahahanap mo rin ‘yung katapat mo. ‘Di ba laging may ganon, so doon ko napatunayan na totoo pala talaga ‘yun.”

Aminado rin si Ruru na isa siyang hopeless romantic pero noong mas bata pa siya ay hindi niya inakalang darating ang puntong gugustuhin niyang makasama ang isang babae habang-buhay.

Nagbago ang lahat nang makilala niya si Bianca.

“Noong nakilala kita, kung paano ka mag-alaga, hindi dahil nasa podcast tayo ngayon at sinasabi ko ‘to. Pero totoo ‘yun, parang every time na kinukwento ko rin sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, meron talagang darating sa buhay mo na magpapabago ng pananaw mo sa buhay,” pagtatapat niya.

Para kay Ruru, hindi lang basta ang pagiging maalaga ni Bianca ang nakapagpaiba sa kanyang pananaw.

Habang mas nakikilala niya ang girlfriend, mas naging malinaw sa kanya kung anong klaseng pagmamahal at relasyon ang gusto niya.

“Bilang isang tao, mararamdaman mo na lang na ito, ‘yung gusto kong makasama habang buhay.

“Pero ayun nga, binago mo. Binago mo kung sino ako. Binago mo kung papaano ko tignan ang pag-ibig, ang pagmamahal,” mensahe pa ni Ruru kay Bianca. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here