Home METRO 2 HVI huli sa P2.7M shabu sa operasyon sa Caloocan

2 HVI huli sa P2.7M shabu sa operasyon sa Caloocan

1
0

MANILA, Philippines – Dalawang hinihinalang high-value na indibidwal ang arestado makaraang mahulihan ng higit sa P2.7 milyong halaga ng shabu sa naganap na buy bust operation sa Caloocan City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek na isang 24-anyos na lalaking courier rider at 26-anyos na babaeng make-up artist.

Nagsagawa ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ng buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA, kasunod ng natanggap na impormasyon ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

Nang matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na positibo na ang transaksyon, kaagad lumusob ang mga operatiba ng SDEU saka inaresto ang mga suspek dakong alas-10:19 ng gabi sa loob ng isang housing project sa Barangay 188.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili kay NCRPO Regional Director PMGEN Anthony Aberin, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 252.2 grams ng suspected shabu na may standard drug price na P1,714,960.00, buy bust money at isang pulang handbag.

“Every gram of illegal drugs seized means lives protected and families spared from the devastating effects of drug abuse. We will remain relentless in strengthening intelligence‑driven operations and working with partner agencies and communities to keep Metro Manila safe and secure.” pahayag ni MGen. Aberin. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here