Home OPINION PAG-IBIG AT NAGA CITY LGU, NAG-TURNOVER NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA GOV’T...

PAG-IBIG AT NAGA CITY LGU, NAG-TURNOVER NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA GOV’T WORKERS

1
0

PORMAL nang sinimulan ng Pag-IBIG Fund at ng Lungsod ng Naga ang pag-turnover ng mga abot-
kayang tahanan para sa mga kwalipikadong kawani ng pamahalaang lungsod na kumuha ng kanilang ari-
arian sa pamamagitan ng Pag-IBIG Housing Loans.

Ang unang pangkat ng mga kawaning naging bagong homeowners ay bunga ng kasunduang nilagdaan
dalawang buwan lamang ang nakalilipas. Layunin nitong tulungan ang mga pampublikong
tagapaglingkod, lalo na ang mga nasa mababang salary grade at mga first-time homebuyers, na
magkaroon ng mas madaling access sa abot-kayang pabahay at pondo.

Ang Naga City Employees’ Housing Project ay paunang sumasaklaw sa 576 housing units sa
BellaVita Naga na matatagpuan sa Barangay Pacol. Ang bawat bahay ay may abot-kayang halaga na
₱350,000. Upang mas maging magaan ang pagbabayad, maaari itong makuha sa pamamagitan ng Pag-
IBIG Housing Loans na may subsidized interest rate na 3% kada taon sa unang limang taon sa ilalim ng
Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program.

Mabilis na Pagtutulungan at Pagtugon sa Pangarap ng Kawani
Ayon kay Naga City Mayor Maria Leonor “Leni” G. Robredo, tinutugunan ng proyektong ito ang
matagal nang hangarin ng pamahalaang lungsod na makapagbigay ng disenteng pabahay sa kanilang
mga manggagawa.

"Sa loob ng maraming taon, naging hangarin na natin ang makapagbigay ng oportunidad sa pabahay
para sa ating mga kawani, ngunit naging hamon ang affordability, lalo na sa mga nasa lower salary
grades. Sa ating pakikipagbalikatan sa Pag-IBIG Fund at BellaVita, nagkatotoo rin ang pangarap na ito,"
pahayag ni Robredo.

Idinagdag pa ng alkalde na sa loob lamang ng dalawang buwan mula sa paglagda ng kasunduan, higit
100 housing loan accounts na ang naiproceso. Target ng lungsod na makumpleto ang takeout ng lahat
ng 576 units bago mag-Oktubre, at plano rin itong ipalawak para sa mga guro, uniformed personnel, at
maging sa mga manggagawa mula sa informal sector.

Pinasalamatan din ni Robredo si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)
Secretary Jose Ramon P. Aliling sa pamumuno nito sa pagtataguyod ng Expanded 4PH Program. Ang
turnover ay itinapat din sa pagdiriwang ng Jesse Robredo Day.
One-Government Approach para sa Pilipinong Manggagawa

Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang proyektong ito ay
magandang halimbawa kung paano magtutulungan ang pambansa at lokal na pamahalaan kasama ang
pribadong sektor tulad ng Ayala Land (pangkat ng BellaVita) upang makapagbigay ng tunay na tahanan.
"Ipinapakita ng nangyari sa Naga kung paano naisasalin sa totoong bahay ang utos ni Pangulong Marcos
na palawakin ang access sa abot-kayang pabahay kapag ang lokal na pamahalaan at pambansang
institusyon ay nagkakaisa. Ito ang one-government approach na ating isinusulong," ayon kay Acosta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here