Home METRO Mag-asawa tusta sa sunog sa palengke sa Maguindanao del Sur

Mag-asawa tusta sa sunog sa palengke sa Maguindanao del Sur

4
0

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Nasawi ang isang mag-asawa matapos sumiklab ang sunog sa public market ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Fire Inspector Narisa Bansil, fire marshal ng bayan, nagsimula ang sunog bandang 11:30 p.m. at idineklarang fire out bandang 1 a.m. Huwebes. Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng apoy.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bacso Abdulgani, isang negosyante, at ang kanyang buntis na asawang si Noraisa, na may-ari ng Bhasnhor Dry Goods Store. Pinaniniwalaang natutulog ang mag-asawa sa loob ng kanilang tindahan nang magsimula ang sunog.

Hindi bababa sa 10 puwesto sa palengke ang napinsala, kabilang ang tindahan ng mag-asawa na nagbebenta rin ng LPG cylinders.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here