Home LIFESTYLE HEALTH Maynila, naglabas ng bagong W.I.L.D. diseases update

Maynila, naglabas ng bagong W.I.L.D. diseases update

13
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ng pinakabagong W.I.L.D. Diseases Daily Update ngayong Huwebes, Agosto 20, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagbabantay sa mga sakit na karaniwang tumataas ngayong tag-ulan.

Batay sa datos ng Manila Health Department (MHD), nakapagtala ng 3 bagong kaso ng Influenza-Like Illness (ILI), 11 kaso ng leptospirosis at 2 kaso ng Severe Acute Respiratory Infection (SARI) ngayong Agosto 20.

Sa kabuuan mula Enero 1 hanggang Agosto 20, umabot na sa 972 ang ILI cases, 170 ang leptospirosis, 292 ang SARI, 2,314 ang dengue, 84 ang kumpirmadong COVID-19, 66 ang typhoid fever at 3 ang cholera cases sa lungsod.

Muling nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga Manileño na mag-ingat at pangalagaan ang kalusugan, lalo na ngayong patuloy ang pag-ulan at mataas ang panganib ng mga sakit na dulot ng baha at maruming tubig.

“Mag-ingat, lalo na ngayong tag-ulan, at alagaan po natin ang ating kalusugan,” ayon kay Yorme Isko. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here