CAVITE, Philippines – Isang 44-anyos na driver ang naaresto makaraang makuhanan ng iba’t-ibang brand ng sigarilyo at walang Graphic Health Warning sa isinagawang Oplan Sita sa Magallanes, Cavite.
Ayon sa report ng pulisya,kinilala ang suspek na si alyas Joe na residente ng Nasugbu, Batangas.
Batay sa ulat, bandang alas-7:50 ng umaga nang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng Magallanes Municipal Police Station sa kahabaan n Maragondon-Magallanes Road sa Brgy Poblacion 5, ng nasabing bayan, dito pinara nila ang isang puting Utility Vehicle Van (UVV) na may plakang DBJ 749 para sa isang routine inspection subalit imbes na huminto at pinasibat pa nito nasabign sasakyan kung kaya sinundan ito hanggang sa napahinto.
Base sa isinagawang inspeksiyon, nakita sa loob ng sasakyan ng driver ang ilang kahon na naglalaman ng iba’t-ibang brands ng sigarilyo kabilang isang 50 reams ng Modern Red cigarretes, 50 reams ng Vicor Aguila Green cigarettes at 25 reams Goldenleaf Red cigarettes na may kabuuang 125 reams na may tinatayang kabuuang halaga na P70,000.00.
Bigo rin ang mga ito na makapagpakita ng dokumento at prescribes Graphic Health Warnins (GHWs) sa mga pakete nito sa ilalim ng Republic Act No. 10643.
Kasalukuyang nakaditine ang suspek sa Magallanes Police Station na nahaharap sa kasong Disobedience/Failure to Obey a Lawful Police Signal during Oplan Sita at paglabag sa Republic Act No. 10643, o Graphic Health Warnings Law of the Philippines. MARGIE BAUTISTA