Home METRO 25 container van ng e-waste, naharang sa Subic

25 container van ng e-waste, naharang sa Subic

8
0

ZAMBALES, Philippines – Muling nakaharang ang mga awtoridad ng isa pang barko na may kargang 25 Container Van (40 ft) na hinihinalang may laman na toxic/hazardous o {Electronic} E-Wastena mula Estados Unidos na tinangkang ipasok na dumating sa Subic Bay Freeport Zone.

Kinumpirma ito ng Bureau of Customs (BoC) Port of Subic, kung saan ang panibagong shipment ay lulan ng MV Dallas na galing ng Estados Unidos at dumating nitong Martes, August 18, 2026 sa naturang pantalan.

Alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Ariel Nepumoceno, ipinag-utos ni Port of Subic Customs Collector Atty Gennifiele Lagmay, na huwag idiskarga at ibalik ito sa pinagmulang bansa.

Matatandaang nitong mga nakaraan buwan ng Hulyo at nitong nakaraang linggo ng Agosto, nasa labing Isang (11) Container Van na may lamang hazardous waste materials na tinangkang ipasok sa pantalan ang naharang at pinabalik ng Customs sa pinagmulang bansa.

Ang hakbang ng Customs ay bunsod ng patuloy na pagtupad sa obligasyon ng Pilipinas (Bansa), bilang kasapi ng international na  Kasunduan ng “Basel Convention” (Treaty) at pagtupad sa probisyon ng batas sa ilalim ng Republic Act No.6969 o ang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990.

Ang Estados Unidos ay hindi umano miyembro o kasapi sa Basel Convention.

Nitong August 18, 2026, nakaalis na Ang barkong MV Dallas lulan pa din ang dalang E-Waste pabalik ng origin. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here