Home NATIONWIDE Rep. Cendaña, maghahain ng demanda vs online trolls

Rep. Cendaña, maghahain ng demanda vs online trolls

3
0

MANILA, Philippines – Nagbanta ng legal na hakbang si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña laban sa mga online troll at bashers na patuloy na umaatake sa kanyang estado ng kalusugan at kapansanan.

​Sa isang pahayag sinabi ng mambabatas na hindi na niya palalampasin ang ginagawang pambabastos ng ilang online pages, influencers, at indibidwal na ginagawang katatawanan ang kanyang pagiging stroke survivor.

​Inihayag ni Cendaña na sanay siya sa pang-araw-araw na kritisismo bilang isang pampublikong opisyal, ngunit sumobra na ang mga huling pag-atake sa kanya online at offline.

​”Ilang taon ko nang pinapalagpas ang araw-araw na paninira at personal na pag-atake sa akin, online man o offline. Hindi na ito bago pero may hangganan ang lahat,” giit ni Cendaña.

​Binigyang-diin ng mambabatas na ang kapansanan ay hindi dapat kailanman gawing sandata para mang-insulto o magpababa ng dignidad ng isang tao.

​Aniya,,  ang kanyang hakbang na gagawin ay para rin sa kapakanan ng lahat ng Persons with Disabilities (PWDs) at kapwa stroke survivors na nakararanas ng diskriminasyon at pambabastos.

​“This serves as a warning to all online pages, influencers, and individuals who have published or amplified these materials. I am consulting with our lawyers on the appropriate legal action that may be taken against those responsible,” pahayag nito.

​Muli namang nilinaw ng mambabatas na nananatili siyang bukas sa mga lehitimong puna at pagsusuri sa kanyang trabaho, ngunit may kaukulang aksyon na ang mga atakeng lumalampas sa linya. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here