Home NATIONWIDE Pondo sa student mental health, security suportado ng Kamara sa 2027 budget

Pondo sa student mental health, security suportado ng Kamara sa 2027 budget

7
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Faustino Dy III, ang pagpapatuloy ng pondo para sa mental health at child protection programs sa panukalang 2027 national budget kasunod ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan.

​Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, vice chair ng House Committee on Appropriations, lalong ipinakita ng panibagong insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University ang pangangailangang ituloy ang mga programang napondohan na sa 2026 General Appropriations Act.

​Ipinapaalala ng mambabatas na naglaan ang Kongreso ng P2.37 bilyon sa 2026 budget ng Department of Education (DepEd) para sa school-based mental health program, kasama ang paglikha ng 10,000 School Counselor Associate positions upang tumulong sa mga mag-aaral at lumaban sa bullying at karahasan.

 Mayroon ding P89.92 bilyong pondo para sa child protection program ng DepEd

​Sinabi ni Alonto Adiong na susuriin ng Kamara sa pagtalakay sa P7.2-trillion proposed national budget para sa 2027 kung paano ginamit ng DepEd ang naturang pondo at kung ilan na sa mga posisyon ang aktuwal na naitalaga.

​Kabilang din sa pag-aaralan ng Kamara ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga paaralan upang malaman kung sapat ito para sa pagkuha ng mga security agency na magpapatupad ng pisikal na seguridad sa mga kampus. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here