Home NATIONWIDE DENR: Mahigpit na waste management kailangan habang nagpapatuloy Habagat

DENR: Mahigpit na waste management kailangan habang nagpapatuloy Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mas mahigpit na pamamahala sa basura dahil inaasahang magpapatuloy ang Habagat hanggang Setyembre. Ayon sa DENR, maaaring lumala ang pagbaha kapag nabara ng basura ang mga daluyan ng tubig.

“Habagat is a natural phenomenon, but the waste that ends up in waterways is something that can be prevented,” pahayag ni Environment Secretary Juan Miguel “Mitch” Cuna.

Binalaan ng DENR na ang maling pagtatapon ng basura ay maaaring bumara sa drainage, kanal, creek, ilog at iba pang waterways, na nagpapalala ng baha. Maaari rin itong tangayin patungo sa mga ilog, komunidad sa baybayin at karagatan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan ang tamang segregation, collection, recycling, composting at disposal ng basura.

Ayon kay Cuna, may 196 trash traps na naka-install sa iba’t ibang LGU at mahahalagang lugar sa Metro Manila upang mahuli ang mga lumulutang na basura at maiwasan ang pagbabara sa waterways.

Tinutulungan din ng DENR ang mga LGU sa pagpapatupad ng waste management programs at nagsasagawa ng mga cleanup operation sa Manila Bay at iba pang waterways.

Hinimok ang mga LGU na regular na mangolekta ng basura, ipatupad ang waste segregation, linisin ang waterways at tanggalin ang mga basurang ilegal na itinapon. Pinayuhan din silang maghanda bago ang malalakas na ulan at hangin, kabilang ang pagputol sa mga sanga at punong maaaring bumagsak.

Samantala, pinaalalahanan ang publiko na mag-segregate ng basura, sumunod sa collection schedule, huwag magtapon sa kanal at ilog, at tiyaking maayos ang pagkakatago ng mga basura sa bahay. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here