MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian ang lahat ng utilities companies na balikatin ang system loss sa halip na singilin sa consumer na hindi naman nila kasalanan ang pagkawala.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on energy hinggil sapag-aamyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), sinabi ni Gatchalian na may kapasidad ang lahat ng kampanya ng kuryente na paunlarin ang kanilang imprastraktura at maibaba ang technical losses.
Kasabay nito, pinuna naman ni Senador Erwin Tulfo ang kawalan ng inisyatiba sa utilities companies na paunlarin ang kanilang imprastraktura upang maiwasan ang system loss na nagpapahirap sa consumer.
“The ones with the power to reduce technical losses are the distribution utilities, right? They can buy new equipment, upgrade substations and lines, or use distributed energy systems like solar. In my view, whoever has the power to fix it should shoulder the cost,” aniya sa ginanap na public hearing g Committee on Energy nitong Huwebes, , August 20, 2026.
Iginiit ni Gatchalian na walang insentibo ang mga power companies na pamuhunan sa Modernong teknolohiy7a, line upgrade o renewable solutions kapag ipinapasa ang technical at non-technical electricity losses sa consumers.
“Following consultations with the Bureau of Internal Revenue (BIR), value-added tax (VAT) on system losses could be removed through an Energy Regulatory Commission (ERC) regulation without requiring new legislation, offering immediate relief to electricity consumer,” giit ng lider ng Senado.
Tiniyak din ng Senate chief na tatanggalin ang system loss charges mula sa buwanang electricity bill dahil umabot sa 11 panukalang batas ang nakahain ngayon sa Senado.
Kasabay nito, pinuna naman ni Tulfo na naging kampante ang electric cooperatives na hindi paunlarin ang kanilang pasilidad dahil nakasandal sila ang EPIRA kaya naipapasa ang system loss sa consumer.
Aniya, kailangan matukoy kung ano ang halaga at losses ang maaaring maipasa sa consumer at alin ang maaaring balikatin ng power utilities.
“We must ensure that every charge passed on to consumers is properly computed, reasonable, justified and no more than what they should rightfully pay,” aniya.
Binanggit ni Tulfo ang mahinang implementasyon ng RA 7832 o ange Anti-Pilferage Act, kaya napipi;litan ang consumer na bayaran ang losses mula sa ninanakaw na suplay ng kuryente, illegal tapping at meter tampering.
Base sa datos ng Philippine National Police (PNP), tanging 21 sa 469 cases mula 2022 hanggang August 18, 2026 ang nahatulan sa paglabag sa RA 7832. Ernie Reyes