Home METRO 4 huli sa akto habang nagdodroga sa Valenzuela

4 huli sa akto habang nagdodroga sa Valenzuela

1
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Apat na hinihinalang drug personalities ang arestado matapos mahuli sa aktong gumagamit umano ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagsasagawa ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 nang lapitan sila ng isang concerned citizen at inginuso ang nagaganap umanong pot session sa loob ng isang bahay sa may No. 2477 sa Villa San Jose Purok 4, Brgy., Mapulang Lupa kaya kaagad nilang pinuntahan ang naturang lugar.

Hindi na nakapalag sina alyas “Tony”, 34, alyas “Rey”, 31, at alyas “Lito”, 40, nang arestuhin nina Pat John Rey Rianzares at Pat Maxim John R Pineda makaraang maaktuhan sumisinghot umano ng shabu sa loob ng nasabing bahay dakong alas-2:36 ng madaling araw.

Nakumpiska sa kanila ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid umano ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias.

Nauna rito, bandang alas-10:05 ng gabi nang mahuli din sa akto ng rumespondeng mga operatiba ng Police Sub-Station 2 ang mekaniko na si alyas “Greg”, 28, na abala umano sa pagbatak ng shabu sa loob ng isang shanty house sa No. 2144 Angeles St., Barangay Gen. T. De Leon.

Nasamsam sa kanya nina Pat Dominic Dela Cruz at Pat Julious Cesar Demition ang ilang drug paraphernalias at isang nakabukas na plastic sachet na may bahid umano ng suspected shabu.

Sinimpahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan Inquest Proceedings. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here