CAVITE, Philippines – Isang umano’y high-value individual ang nadakip drug sa operasyon kontra ilegal na droga makaraang makuhanan ang tinatayang nasa .1 kilo na nasa 748milyong halaga ng shabu sa Dasmariñas City, Cavite.
Pinangunahan ang operasyon ng Special Operations Unit 4A (SOU 4A), katuwang ang Regional Drug Enforcement Unit ng PRO 4A, PDEA Cavite Provincial Office, Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas City Police Station, Cavite Police Provincial Office at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Field Unit Luzon.
Ayon sa nakalap na report , kinilala ang suspek na si alyas na “Pleng,” 33-anyos, helper, na residente ng Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan.
Batay sa ginawang imbestgasyon ng pulisya, isinagawa ang buybust operation dakong 2:;29 ng madaling araw noong sa Barangay Paliparan 1, ng nasabing lungsod kung saan naaresto ang suspek.
Napag alaman na hindi ito ang unang nadakip ang suspek nakulong na rin ito noong taong 2021 sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Noong 2024, muli naman siyang nasangkot sa kasong may kaugnayan sa Presidential Decree No. 1602 o batas laban sa ilegal na pagsusugal.
.Nakumpiska mula sa pag iingat nito ang isang knot-tied transparent plastic pack at isang ziplock transparent plastic bag na kapwa naglalaman ng hinihinalang shabu.
Batay sa inisyal na pagtaya ng mga awtoridad, umabot sa 1,100 gramo o 1.1 kilo ang kabuuang bigat ng nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga, na may tinatayang Standard Drug Price na ₱7.48 milyon.
Binigyang-diin ni PRO 4A Acting Regional Director PBGen Dominic L. Baccay ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na koordinasyon ng pulisya at iba pang law enforcement agencies sa paglaban sa ilegal na droga sa rehiyon.
Ayon kay Baccay, mananatiling katuwang ng PRO 4A ang iba’t ibang ahensya upang maprotektahan ang mga komunidad, pigilan ang pagkalat ng ilegal na droga at tiyaking mananagot sa batas ang mga indibidwal na sangkot sa naturang gawain.
Nasa kustodiya ng Dasmariñas Component City Police Station ang suspek habang inihahanda ang kinahaharap ang kasong Republic Act No. 9165. MARGIE BAUTISTA