CAVITE, Philippines – Kahit kasagsagan ng ulan at baha dulot ng bagyo, isang lalaki ang namatay makaraan umanong malunod habang kumukuha ng pang-ulam sa malalaim na binahang bahagi ng isang lugar sa Armstrong Village, Baragay Salawag, Dasmarinas City, Cavite.
Ayon sa report, bandang alas-2:30 ng hapon, nagtungo ang biktima sa binahang lugar upang kumuha ng kangkong subalit sa laki ng tubig baha hindi umano nito nakayanan na naging sanhi ng pagkakalunod nito.
Humingi ng saklolo ang kasamahan ng biktima sa Dasmarinas City CDRRMO kung saan wala ng buhay ang biktima nang iahon ito.
Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na isailalim sa awtopsiya kaugnay sa pagkamatay ng kanilang kaanak. MARGIE BAUTISTA