Home ENTERTAINMENT Ina ni Sue, pumanaw na!

Ina ni Sue, pumanaw na!

1
0

Manila, Philippines – Nagluluksa si Sue Ramirez dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Concepcion “Chit” Dodd.

Ang pagkamatay ng ina ang nakasaad sa Instagram Stories ni Sue kalakip ang litrato nilang mag-ina.

It carries a message: “Mahal na mahal na mahal kita.”

May ipinost ding video si Sue aboard a car habang umuulan: “Kasabay kong umiiyak ang langit.”

Isa ang ex-boyfriend ni Sue na si Negros Occidental 3rd District Rep. Javi Benitez sa mga nagpaabot ng kanyang pakikiramay.

Dating labor leader ang ina ni Sue na binigyang-pugay ni Javi who called her Mommy Chit–na tubong Sipalay, Negros Occidental.

Habang sinusulat ito’y hindi pa inihahayag ng pamilya ni Sue ang sanhi ng pagkamatay ng ina.

Matatandaang nitong January 6, nanawagan ang aktres para sa inang nakatakdang sumailalim sa open heart surgery.

Mula sa Remate Online, condolence to Sue and her bereaved family. Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here