Manila, Philippines – Walang choice si Ai Ai de las Alas kundi aliwin na lang ang sarili habang binabaha ang maraming lugar.
Napakalakas naman kasi’t walang tigil ang ulan, nagkataong nasa taping pa ang Comedy Queen para sa kanyang serye.
Sa kasagsagan ng ulan, nasa loob sila ng tila restored public vehicle bilang set sa kinukunang eksena.
Kuwento ni Ai Ai sa kanyang Instagram post: “Sobrang ulan kanina sa taping, actually hanggang ngayon…kaya kumanta na lang kami ng tuwing umuulan. Super BAHAmas…pero laban lang.”
Nasa Reels mapapanood ang “choral singing” nina Ai Ai, JM de Guzman at iba pang cast member to the tune of Tuwing Umuulan.
Katwiran ng komedyana, kesa daw mabuwisit at ma-stress dahil sa ulan na nagdulot ng malawakang baha–idagdag pa ang delay sa taping–“Eh, ‘di sing na lang nang bonggang-bongga!”
Supposed to be ay may mga eksenang kukunan sa labas, kaso nga’y bumaha na.
Samantala, dusa din ang maraming pumapasok sa mga trabaho’t paaralan dulot ng baha.
Mga sangkot sa flood control scam, papanagutin! Ronnie Carrasco IiI