MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya para solusyunan ang matagal nang problema sa erosion at landslide sa rehiyon ng Cordillera.
Isinama sa 2027 budget ng DPWH ang pondo para sa makabagong teknolohiya.
Tinatayang P3 bilyon ang pinsala sa Cordillera na aayusin gamit ang Quick Response Funds o QRF.
Kabilang sa aayusin ang Benguet-Vizcaya Road, Beckel, La Trinidad kung saan maglalagay ng 75-meter double-crib wall na may mechanical stability system bilang slope protection.
Target ng DPWH na tapusin ang proyekto ng 11 buwan at P75 milyon ang inilaan mula sa QRF.
Nakipag-ugnayan na rin ang DPWH sa mga eksperto mula Japan para patibayin ang napinsalang metal curtain wall ng Daclan,Tublay. Maglalagay din ng shotcrete slope protection sa itaas ng bundok para pumigil sa pagguho ng lupa at bato.
Magsasagawa rin ng dredging sa Bolo Creek at Balili River at maglalagay ng floodgate sa Bolo Creek para maiwasan ang pagbaha sa strawberry farm bagamat ito ay short-term lamang.
Pero nakikitang pangmatagalang solusyon ay ang pagtatayo ng malaking drainage canal at water catchment areas mula strawberry farm papuntang Balili River. 20+ taon na itong binabaha.
Plano rin ng DPWH na gumamit ng mga teknolohiya mula sa JICA na epektibo na sa Japan.
Mungkahi ni Asec. Antonio Tabora Jr., pag-aralan ang tunneling bilang alternatibo sa paulit-ulit na pag-aayos ng mga bundok na kalsada tulad ng Kennon Road.
Layo ng DPWH na ginawa ng mas matibay na imprastruktura na tatagal ng taon sa mga bulubunduking lugar ng Cordillera. Jocelyn Tabangcura-Domenden