CAUAYAN CITY, Isabela – Hindi na nakapalag sa mga alagad ng batas o Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela ang dalawang indibidwal sa umano’y ilegal na paglilipat o ‘Paihi’ ng diesel sa Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela, kamakalawa.
Nahuli ang isang lalaki at isang babae habang inililipat umano ang diesel mula sa improvised tanker truck papunta sa van.
Umaabot sa halos mahigit P1.5M halaga ng krudo o diesel ang nasamsam ng operatiba.
Maliban sa krudo na nasamsam ay kabilang ang mga sasakyan at iba pang gamit sa illegal na aktibidad o economic sabotage.
Patuloy ang operasyon laban sa ilegal na paghawak at paglilipat ng produktong petrolyo sa lalawigan.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek kabilang ang mga narekober na krudo at sasakyan habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila. (REY VELASCO)