Home NATIONWIDE Pagpapalakas sa posisyon ng Pinas sa larangan ng overseas shipping, inilunsad ng...

Pagpapalakas sa posisyon ng Pinas sa larangan ng overseas shipping, inilunsad ng MARINA

1
0

MANILA, Philippines – Pormal na inilunsad ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Philippine Overseas Shipping Industry Assessment para sa pagpapalakas sa posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang larangan.

Ginanap ang paglulunsad sa Second Semester Meeting sa pagitan ng MARINA at mga pribadong stakeholder na isinagawa virtually noong 19 Agosto 2026 sa pangunguna ni Overseas Shipping Service Director Ramon Hernandez.

Layunin ng Assessment na alamin ang kalagayan ng overseas shipping, kasalukuyang mga trend, pinakabagong mga pag-unlad, mga hamon, at mga susunod na hakbang.

Mahalaga ang nasabing pagtatasa para matukoy ang mga batay-sa-datos na parametro na makakatulong sa pagtaas o pagpapalawak ng Philippine ship registry.

Kinilala  ni MARINA Deputy Administrator for Operations RAdm Loumer Bernabe PN (Ret) ang aktibong partisipasyon ng mga pribadong stakeholder sa kabila ng masamang panahon.

Kabilang din sa mga napag-usapan sa pagpupulong ang pinakabagong update sa pag-lobby ng Ship Registry Bill sa 20th Congress, ang paghahanda para sa POSIDONIA 2028, at ang update sa 2nd Philippine Shipping and Shipbuilding Conference o PHILSHIPCON sa Blue Economy Annual Trade and Conference o BEACONna gaganapin sa 29 Setyembre – 01 Oktubre 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here