ILOCOS SUR, Philippines – Isinugod sa ospital ang isang 20-anyos na construction worker matapos saksakin sa leeg ng nakaalitan niyang welder sa bayan ng Sta. Catalina ng lalawigang ito nitong Sabado ng gabi, Agosto 22.
Ayon sa Sta. Catalina Municipal Police Station, ang biktima at 46-anyos na suspek ay parehong residente ng naturang bayan.
Nasa daan umano ang biktima at pauwi na nang sugurin siya ng saksak ng suspek.
Resulta nito, tinamaan ng saksak sa bandang leeg ang biktima.
Agad na isinugod sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang sa Vigan City ang biktima.
Arestado naman ang suspek at ngayon ay nasa kustodya ng Sta. Catalina MPS.
Lumalabas sa imbestigasyon na ‘old grudge’ ang motibo sa krimen. Rolando S. Gamoso