Home ENTERTAINMENT Anak ni Katherine Luna, may pneumonia!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Anak ni Katherine Luna, may pneumonia!August 23, 2026 16:0710 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Mahirap para sa sinumang magulang na magkaroon ng aberya sa bahay nang nasa ibang lugar siya.Ganito natagpuan ni Katherine Luna ang kanyang sarili habang ikinukuwento ang tungkol sa anak niyang si Baby Axel.Ayon sa aktres, noong una’y sinat lang daw ang meron sa anak.Pinainom niya ito ng paracetamol, pero ilang oras na ang lumipas ay mainit pa din ito.Bale ba, noong araw na ‘yon ay maaga ang call time niya para sa taping.Nagbilin naman siya sa mga naiwan sa bahay na kung hindi pa din bumababa ang lagnat ng anak ay dalhin na ito sa ospital.Nakatanggap na lang daw ng message si Kat tungkol sa findings ng doktor sa ospital–pneumonia.Nagtataka si Kat gayong wala daw ubo’t sipon ang anak kundi sinat na naging lagnat.Sobra daw kinabahan at natakot si Kat na nagkataong nasa trabaho pa siya: “Wala akong magawa…”In-admit na sa ospital si Baby Axel, at medyo bumubuti na daw ang lagay except na wala itong ganang kumain.Problemado si Kat dahil hindi daw niya alam kung hanggang kailan mananatili ang anak sa ospital. Ronnie Carrasco III