Manila, Philippines – Viral ang kumalat na clips ng pamamasyal nina Robbie Jaworski at Magui Ford sa Hongkong kamakailan.
Dahil sa closeness nila, naiisyung magdyowa na sila.
May mga humihirit namang nagsabing wala namang masama kung totoong nagkakamabutihan na ang dalawa lalo pa’t pareho naman silang single.
May mga nagkomento pang bagay sila.
Ito ang ilang hirit ng mga nagmamarisol.
“Yan mas bagay sila, kaysa dun sa ex ni Robbie.”
“Sweet, they’re at the right age to enjoy love and life! Walang sabit.”
“Matagal na silang spotted ng mga fans daming reels nagkalat sa fb sa kanila na magkasama lalo na nung training for Star Magic Olympics this month.”
“Loveteam siguro.*
“Sa dami ng nagkaka crush kay magui ford, si robbie ang sinagot.”
“Parang di naman priority ni Magui ang pag-aartista.”
“I’m sure may chaperone yan. Di yan papayagan ni Daniel na mag-isa, si Magui kasama si Robbie, kahit pa of age na si sister. Ganon ka-OA si Daniel lol!”
“Busy na si Daniel sa sarili nyang buhay at matanda na c Magui uy!” Archie Liao