Manila, Philippines – May mga nagmamalditang nagtataas ng kilay sa sinabi ni Ruru Madrid sa isang panayam na loyal siya kay Bianca Umali.
Nangyari ito nang maging panauhin siya sa isang talk show.
Pag-amin ng aktor, noong 20 years old siya ay nag-cheat siya sa kanyang dyowang si Bianca Umali.
Gayunpaman, hindi raw naman excuse ang kapusukan o kabataan ng kanyang edad para magloko ang isang lalake sa kanyang dyowa.
Nagpapasalamat din siya na napatawad siya ni Bianca sa kanyang naging kasalanan noon.
Naniniwala rin siyang puwedeng magbago ang isang cheater kung gugustuhin niya.
Viral naman ang isang TikTok video kung saan tampok ang aktor bilang guest sa isang game show.
Naurirat rito ang isyu ng cheating.
Natanong siya kung dapat bigyan ng second chance ang isang nagloko.
Aniya, naniniwala raw siya sa second chances kaya dapat silang bigyan ng pagkakataon.
Hirit pa niya, kahit sinong naligaw ng landas ay puwedeng magpakatino.
Sa pa-survey naman sa madlang pipol, nasopla ang aktor dahil lumabas sa pulso ng masa na di dapat sila binibigyan ng ikalawang pagkakataon dahil muli silang uulit. Archie Liao