Home METRO 13 tauhan ng PNP-HPG sinibak, mahaharap sa patung-patong na kaso

13 tauhan ng PNP-HPG sinibak, mahaharap sa patung-patong na kaso

2
0

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines – Mahaharap sa “Hot Water” situation ang labintatlong (13) tauhan ng PNP-Highway Patrol Group kabilang sa mga ito ang tatlong (3) opisyal na umano’y sangkot sa naiulat na paggambala at komprontasyon sa mga personnel ng Bureau of Customs (BoC) Port of Subic na nakatalaga at nagbabantay sa isinasagawang Condemnation procedure o pagwasak at pagsira sa mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo sa incinerator warehouse sa Sta.Maria, Bulacan.

Kinumpirma ito ng source mula sa Customs na inihahanda na ang mga kaso umanong isasampa laban tauhan ng PNP-HPG na pawang mga nakatalaga sa National Capital Region na umano’y nakipag-komprontasyon at pilit umanong pumasok sa Warehouse na binabantayan ng Customs nitong Miyerkules ng gabi, August 19, 2026,  kung saan nagdulot ng pagkagambala at pagkaaantala ng operasyon ng pagsira sa mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo.

Bukod dito, magsasampa rin umano ng hiwalay na kaso laban sa mga pulis (PNP-HPG) ang kumpanyang Legacy 88 Recyclable Materials Collection Services, na siyang may-ari ng warehouse incinerator facility dahil umano sa perhuwisyong inabot at pagkaantala ng operasyon sa pagwasak sa mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo ng Customs bunsod ng maling raid.

Nitong Huwebes, August 20, isang Araw na naantala ang operasyon ng Condemnation Procedure sa pagwasak sa higit 1,000 master cases ng mga smuggled na sigarilyo na nasabat ng Customs sa Subic Bay Freeport Zone.

Matapos ang insidente, magkatuwang na ininspeksiyon nina Bureau of Customs- Enforcement Security Services (BOC-ESS) Director Ret.P/Gen.Noel Estanislao at Port of Subic Auction Division at Condemnation Chief Ronald “Pinggoy” Arzadon kung saan muling ipinagpatuloy ang naantalang operasyon sa pagsira sa mga smuggled na sigarilyo.

Alinsunod ito sa direktiba ni Customs Commissioner Ariel Nepumoceno at utos ni Port of Subic District Collector Atty. Gennifelle Lagmay.

Nitong biyernes, nauna ng sinibak ni PNP-HPG Director Brigadier General Rommel Batangan ang mga sangkot na opisyal at tauhan ng PNP-HPG NCR, upang bigyang ng daan ang paggulong ng imbestigasyon hinggil sa insidente. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here