Home NATIONWIDE HVI, isa pa timbog sa buy-bust ops sa Pangasinan

HVI, isa pa timbog sa buy-bust ops sa Pangasinan

1
0

PANGASINAN- Himas-rehas ngayon ang isang 36-anyos na lalaki na umano’y high-value individual (HVI) at ang 34-anyos nitong kasama matapos silang maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Barbara ng lalawigang ito nitong madaling-araw ng Agosto 24.

Base sa natanggap na ulat ng Police Regional Office 1 (PRO1), ang dalawang suspek ay parehong residente ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Bandang alas-3:18 ng madaling-araw nang ikasa ang buy-bust operation na tumagal hanggang alas-4:20 ng madaling-araw.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng PPDEU Pang PPO (lead unit), PIU Pang PPO, RPDEU PRO1, PIT Pang RU1, PDEG SOU1, at Sta. Barbara MPS, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na may mga kargang hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 35 gramo ang narekober na hinihinalang shabu at tinatayang may Standard Drug Price (SDP) na P238,000.

Bukod sa hinihinalang shabu ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng mga itinuturing nilang non-drug evidence gaya ng: isang P500 (buy-bust money); apat na P1,000 (boodle money); isang unit na VIVO smartphone; at isang motorsiklo.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar kung saan nangyari ang buy-bust operation, sa presensiya ng suspek at mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here