Home HOME BANNER STORY Bagyong Saudel, posibleng maging Super Typhoon sa pagpasok ng PAR

Bagyong Saudel, posibleng maging Super Typhoon sa pagpasok ng PAR

1
0

MANILA, Philippines – Nananatili ang lakas ang Typhoon Saudel habang kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa Philippine Sea, silangan ng extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA nitong Lunes.

Bandang 10 a.m., nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Saudel na may layong 1,480 kilometro silangan-hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 175 km/h at bugso na hanggang 215 km/h.

Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok ang sentro ng bagyo sa northeastern boundary ng PAR ngayong Lunes ng hapon. Kapag nakapasok na ito sa PAR, bibigyan ito ng lokal na pangalang “Obet.”

Malapit na ring umabot ang Saudel sa Super Typhoon category.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na mas maliit ang posibilidad na direktang makaapekto ang Saudel sa panahon at kondisyon ng karagatan sa Pilipinas sa susunod na tatlong araw.

Inaasahang mananatili ang bagyo sa Philippine Sea at lalabas ng PAR ngayong Lunes ng gabi o madaling-araw ng Martes, Agosto 25. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here