Home METRO Klase sa ilang paaralan sa Zambales, sinuspinde dahil sa banta ng mass...

Klase sa ilang paaralan sa Zambales, sinuspinde dahil sa banta ng mass shooting

1
0

ZAMBALES, Philippines – Pina-uwi muna ang mga estudyante sa ilang paaralan nitong Lunes ng umaga sa San Antonio, Zambales matapos makatanggap si Mayor Arvin Antipolo ng babala tungkol sa umano’y planong mass shooting sa bayan.

Kinumpirma ni Antipolo na isinagawa ang pagpapauwi bilang pag-iingat laban sa posibleng banta.

“We immediately coordinated with the Department of Education (DepEd) to request the temporary suspension of classes in the 20 public and private schools in the municipality,” ani Antipolo.

Nakipag-ugnayan din ang alkalde sa PNP, mga opisyal ng barangay at iba pang kinauukulang ahensya. Nag-deploy ang mga ito ng personnel sa lugar, habang nagtatag naman ang lokal na pamahalaan ng incident command post sa municipal hall.

Ang babala ay ipinadala ng isang taong nagpakilalang Jz Rogelio, na nagsabing isa siyang whistleblower at concerned citizen.

Ayon sa kanyang mensahe kay Antipolo, nakatanggap umano siya ng impormasyon tungkol sa planong pag-atake ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal sa ilang paaralan noong Lunes ng umaga o hapon.

“Hindi po ito biro. Isa po akong concerned citizen lamang. Sana po ay makarating ang message ko sa inyo dahil marami po ang mapapahamak,” ani Rogelio.

Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung gaano kapani-paniwala ang banta, kung saan ito nagmula, o kung sino ang posibleng nasa likod nito.

Patuloy na sinusuri ng mayor’s office at iba pang awtoridad ang sitwasyon at nagpapatupad ng mga kinakailangang security measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at school personnel. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here