Home HOME BANNER STORY Bagyong Saudel, pumasok na ng PAR; Habagat, palalakasin

Bagyong Saudel, pumasok na ng PAR; Habagat, palalakasin

2
0

MANILA, Philippines – Opisyal nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Saudel na binigyan ng lokal na pangalang “Obet” alas-1:20 ng hapon ngayong Agosto 24, 2026.

Nasa near-super typhoon category ang bagyo, taglay ang maximum sustained winds na 175 km/h at pagbugsong umaabot sa 215 km/h. Kumikilos ito west-northwestward sa bilis na 30 km/h sa ibabaw ng Philippine Sea.

Sa ngayon, wala pang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa. Inaasahang mananatiling malayo sa kalupaan ang sentro ng bagyo at hindi direktang tatama sa Pilipinas bago ito tuluyang lumabas ng PAR patungong silangang China.

Gayunman, palalakasin ni Obet ang Southwest Monsoon o Habagat, na magdudulot ng mas maraming ulan sa Luzon.

Posibleng makaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan na maaaring magdulot ng flash flood at landslide sa Batanes.

Sa Metro Manila at Central/Western Luzon, inaasahan ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa mga susunod na araw.

Samantala, katamtaman hanggang maalon ang kondisyon ng dagat sa hilaga at kanlurang bahagi ng Luzon ang inaasahan.

Bagama’t hindi inaasahang direktang mag-landfall si Obet, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga epekto ng pinalakas na Habagat, lalo na sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng landslide. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here