Home NATIONWIDE Ilang byahe sa Batangas Port, kinansela sa masamang panahon

Ilang byahe sa Batangas Port, kinansela sa masamang panahon

1
0

BATANGAS, Philippines – Kinansela nitong Lunes ang ilang biyahe mula Batangas Port patungong Puerto Galera, Oriental Mindoro dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng Habagat at Typhoon Saudel.

Ayon sa Asian Terminals Inc. (ATI), operator ng Batangas Passenger Terminal, ginawa ang kanselasyon bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Kabilang sa mga kanseladong biyahe ang Island Water fastcraft patungong Puerto Galera, kabilang ang mga alis na 9 a.m. at 1:45 p.m.

Pinayuhan ng ATI ang mga pasahero na subaybayan ang mga weather update at makipag-ugnayan muna sa kanilang shipping line para malaman kung may pagbabago sa iskedyul.

Hiniling din ng operator na huwag munang pumunta sa pantalan ang mga pasaherong patungong Puerto Galera at iba pang destinasyon hangga’t hindi nakukumpirma ang kanilang biyahe.

Nangyari ang mga kanselasyon matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si Typhoon Saudel habang patuloy namang nakaaapekto ang Habagat sa ilang bahagi ng bansa.

“Your safety is our utmost priority,” pahayag ng ATI, habang hinihikayat ang mga biyahero na maging alerto at planuhin nang maayos ang kanilang mga biyahe. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here