Home NATIONWIDE Recto: Suporta sa middle class, iniatas ni Bongbong

Recto: Suporta sa middle class, iniatas ni Bongbong

1
0

MANILA, Philippines — Itinutulak ng administrasyong Marcos na itaas sa P350,000 kada taon ang personal income tax exemption upang madagdagan ang maiuuwi ng mga manggagawa ng hanggang P17,500 kada taon.

Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suportahan ang middle class at pigilang muling malugmok sa kahirapan ang 6.5 milyong Pilipinong iniulat na nakaahon mula 2023 hanggang 2025, ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.

“That is the marching order of the President: Support the middle class and prevent 6.5 million Filipinos from sliding back into the zone of poverty,” ani Recto sa isang pahayag.

Batay sa datos ng pamahalaan, bumaba ang poverty incidence mula 15.5% noong 2023 sa 9.7% noong 2025, habang nabawasan mula 17.5 milyon sa 11 milyon ang bilang ng mahihirap na Pilipino.

Gayunman, sinabi ni Recto na hindi dapat maging kampante ang pamahalaan dahil sa banta ng krisis sa Middle East at mga pagkagambala dulot ng klima sa presyo ng pagkain, langis, at iba pang pangunahing bilihin.

Kabilang sa mga planong hakbang ang pagpapabilis sa high-impact infrastructure projects upang lumikha ng trabaho, pasiglahin ang lokal na ekonomiya, pababain ang logistics costs, at makahikayat ng pamumuhunan.

Isinusulong din ng administrasyon ang pag-exempt sa maliliit na negosyo mula sa Minimum Corporate Income Tax, pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, at pagpasa sa Sariling Kuryente Act upang mapadali at mapamura ang paglalagay ng solar at battery systems sa mga bahay.

“We will continue prioritizing price stability measures” upang mapanatiling abot-kaya ang pagkain, gasolina, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan, ani Recto.

Ang pagtataas sa income tax exemption at iba pang nabanggit na hakbang ay mga panukala pa lamang at mangangailangan ng kaukulang batas bago maipatupad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here