Manila, Philippines – Gumalaw nga ba ang “kapangyarihan” ni Karla Estrada, dahilan para mas paboran ng produksyon ng Incognito ang anak na si Daniel Padilla over Richard Gutierrez?
Balita kasing wala sa sequel ng nasabing serye ang original cast member na si Chard, pero retained si Daniel.
Diumano, nasasapawan daw ni Chard si DJ gayong bida din naman ang huli alongside lan Veneracion.
Mas madami daw ang exposure ni Richard kumpara kay Daniel.
Entonces, hindi daw ito nagustuhan ni Karla at “nagsumbong” sa production.
Ending: ligwak si Richard who was replaced by Carlo Aquino.
Iba namang bersyon ang lumalabas sa ‘di na pagka-cast kay Chard.
Mas naging busy daw ito sa shoot ng Blood vs Duty na namaalam na sa ere.
Eh, alangan naman daw i-pull out siya doon gayong pareho silang bida ni Gerald Anderson.
Kung totoo ngang si Karla ang “unseen hand,” ano kaya ang reaksyon ng ina ni Chard na si Annabelle Rama?
May power play nga bang involved? Ronnie Carrasco III