MANILA, Philippines – Bumaba ng 11% noong 2025 ang poverty incidence sa mga pamilya sa Bohol mula sa 50.2 percent noong 2000.
Ito na ang pinakamababang poverty rate sa rekord, ayon kay Gov. Erico Aristotle Aumentado.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Aumentado na ang pagbaba ay nagpakita ng tagumpay sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng ekonomiya ng probinsya.
Nakita sa datos ang 39.2 percentage point na pagbaba sa poverty incidence sa mahigit 25 taon.
Ani Aumentado, ang lahat ng component local government units sa Bohol ay bumaba na sa ilalim ng dalawang lowest poverty classifications, habang ang pitong munisipalidad ay bumuti mula Level 2 patungong Level 1.
Tumaas naman sa 26 mula sa 19 ang bilang ng mga LGU na klasipikado sa ilalim ng Level 1.
Patuloy namang tututukan ng pamahalaan ang 24 poorest municipalities sa probinsya upang masiguro na walang maiiwang komunidad. RNT/JGC