Home NATIONWIDE Gov. Fernando, nilinaw viral na ‘I don’t know’ sa P41-B flood-control projects

Gov. Fernando, nilinaw viral na ‘I don’t know’ sa P41-B flood-control projects

1
0

BULACAN — Nilinaw ni Bulacan Gov. Daniel Fernando na kakulangan ng eksaktong datos ang dahilan ng kanyang sagot na “I don’t know” nang tanungin tungkol sa mahigit P41 bilyong alokasyon para sa flood-control projects sa lalawigan.

Naging viral ang bahagi ng panayam sa kanya ni Ted Failon noong Lunes, Agosto 24, kung saan tinanong ang gobernador tungkol sa mga proyektong pinondohan ng national government.

Sa isang press conference, sinabi ni Fernando na ayaw niyang magbigay ng sagot nang walang sapat at tiyak na impormasyon. Iginiit niyang hindi dapat ituring ang kanyang tugon bilang patunay na sangkot siya sa anumang anomalya.

Hiniling din ng gobernador na ituon ang talakayan sa mahahalagang tanong kaugnay ng pagpapatupad, kalidad at pananagutan sa mga flood-control project para sa kapakanan ng mga Bulakenyo.

Hindi naman nakasaad sa ipinadalang pahayag kung anong mga proyekto ang kabilang sa mahigit P41 bilyong halaga, sino ang mga contractor at kung ilan ang natapos, nagpapatuloy o iniimbestigahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here