Home NATIONWIDE P238.8-M Ultra Lotto jackpot, mailap

P238.8-M Ultra Lotto jackpot, mailap

2
0

MANILA, Philippines – Walang nakapag-uwi ng mahigit P238.8 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Agosto 25.

Walang bettor ang nakatama sa winning combination na 57-36-34-49-17-43, kaya nanatiling walang claimant ang jackpot na P238,841,677.07.

Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49, matapos walang tumama sa kombinasyong 17-47-20-42-40-09 para sa P25 milyong jackpot.

Hindi rin nakuha ang Lotto 6/42 jackpot na P13,534,656.82 matapos walang bettor ang tumama sa winning numbers na 07-13-24-17-01-16.

Ayon sa PCSO, nasa 1 sa 40,475,358 ang tsansang makuha ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58.

Dahil walang jackpot winner sa tatlong major lotto games, madaragdagan pa ang premyo sa kani-kanilang susunod na draw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here