Home METRO Mayon nagbuga ng abo; Alert Level 2 nananatili

Mayon nagbuga ng abo; Alert Level 2 nananatili

1
0

ALBAY — Nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 26, habang nananatili itong nasa Alert Level 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa video monitoring ng PHIVOLCS, naitala ang ash emission mula sa bunganga ng bulkan dakong 8:30 a.m.

Nakalikha ito ng kulay-abong plume na tinangay ng hangin patungong east-northeast, ayon sa monitoring ng Calbayog Observation Station camera.

Nananatili ang Alert Level 2 sa Mayon, na nangangahulugang may moderate level of volcanic unrest.

Noong Agosto 17, nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng mataas na sulfur dioxide emission na 8,393 tonelada kada araw, kasabay ng mga senyales ng pamamaga o pressurization sa ilang bahagi ng bulkan. Nagbabala noon ang ahensya na maaaring magpahiwatig ito ng posibilidad ng panibagong eruptive activity.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa panganib ng biglaang pagsabog, rockfall, ballistic fragments at pyroclastic density currents.

Pinayuhan din ang mga komunidad sa paligid ng Mayon na manatiling alerto, lalo na sa mga lugar na maaaring tamaan ng lahar at sediment-laden streamflow kapag may malakas at matagal na pag-ulan.

Patuloy na minomonitor ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Mayon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here