Home HOME BANNER STORY PH officials makikipagpulong sa mga opisyal ng Roblox sa Singapore

PH officials makikipagpulong sa mga opisyal ng Roblox sa Singapore

1
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang makipagkita ang mga opisyal ng Pilipinas sa mga opisyal ng online gaming platform na Roblox sa Singapore para pag-usapan ang mga hakbang para protektahan ang mga batang Filipino sa mapanganib na aktibidad sa naturang platform, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Miyerkules, Agosto 26.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, kabilang sa delegasyon ang mga representative ng National Bureau of Investigation, House of Representatives, Senado at iba pa.

“Tomorrow, we will speak with them directly in Singapore to ask what has happened to the two things [they] promised,” ani Aguda sa panayam ng DZBB nitong Miyerkules, Agosto 26.

Dalawa ang tinitingnang hakbang ni Aguda na hindi pa naipatutupad ng Roblox. Ito ay ang pag-link ng user verification system nito sa Philippine national digital ID at pagtatatag ng opisina sa bansa.

Tumugon na umano ang Roblox sa tatlo sa limang demand ng DICT kabilang ang default parental controls, pagmonitor ng chat sa mga violent tendency, at klasipikasyon ng laro batay sa age groups.

Ang miting ay kasunod ng panawagan ng mas mahigpit na regulasyon sa Roblox kasunod ng pamamaril ng estudyante sa Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga City.

Nagpahayag naman ng suporta si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa pagpapatupad ng total ban sa Roblox.

“We are pushing for a total ban on Roblox… Roblox is the only one in particular that has a link to the dark web,” ani Remulla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here