Home NATIONWIDE PBBM bukas sa mas mabigat na parusa para sa loose firearms

PBBM bukas sa mas mabigat na parusa para sa loose firearms

1
0

MANILA, Philippines – BUKAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapataw ng mas mabigt na parusa para sa illegal possession ng lose firearms kasunod ng fatal shooting incidents sa loob ng school premises sangkot ang mga menor de edad.

Inilarawan naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro bilang “good” ang ginagawang pagsusulong ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na gawing non-bailable offense ang ilegal na pagmamay-ari ng loose firearms at pagpapataw ng hanggang 20 taong pagkakakulong.

“Ito ay naging magandang suggestion ni Secretary Jonvic Remulla. Ito naman din po ay para sa mas protektadong bansa at mas protektadong mga kababayan natin,” anito.

Sinai pa ni Castro na hindi kokontrahin ni Pangulong Marcos ang hakbang na naglalayong protektahan ang publiko.

Gayunman, kailangang rebisahing mabuti ng Pangulo ang panukalang batas at ang specific provisions nito bago pa gumawa ng posisyon sa nasabing usapin.

“So, kung ano po talaga ang maaring maging magandang batas, para ito po ay mas mabigyan ng malaking parusa, ang Pangulo po ay open,” aniya pa rin.

“But we have to wait for the versions of the bills so that the President could make his stance on such issue. So, ngayon wala pa po,” aniya pa rin.

Binigyang diin pa ni Castro na mapipigilan sana ang mga nakamamatay na shooting incidents kung ang mga gun owners ay responsable sa pangangalaga sa kanilang mga armas, bagaman kinilala naman niya na ang illegal possession ng loose firearms ay hiwalay na usapin.

Wiika ni Castro na gagawa ng pinal na desisyon si Pangulong Marcos sa oras na ipasa ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magpataw ng mas mabigat na parusa para sa possession ng loose firearms.

“Sa totoo lang kung ang tao naman ay maingat talaga na humawak ng kanyang mga baril, hindi maaaring magkaroon ng negligence nasasapit sa ganitong mga klaseng pagkatataon o sitwasyon,” ang tinuran ni Castro.

“Muli, kung anuman ang ikagaganda ng ating bansa at sa interes ng ating mga kababayan, hindi po iyan hahadlangan ng ating Pangulo,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, hinikayat naman ni Remulla ang Kongreso na amiyendahan ang Republic Act 11766 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act upang gawing non-bailable offense ang ilegal na pagmamay-ari ng loose firearms at pagpapataw ng hanggang 20 taong pagkakakulong. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here