Home METRO Abra de Ilog–Puerto Galera Road, sarado pa rin dahil sa landslide

Abra de Ilog–Puerto Galera Road, sarado pa rin dahil sa landslide

1
0

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines — Patuloy na sarado ang Abra de Ilog–Puerto Galera Road habang nagsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng clearing at road restoration operations matapos ang malaking landslide at rockfall sa Sitio Lucotan, Barangay Udalo, Abra de Ilog.

Ayon sa Abra de Ilog Emergency Response Operations, malapit sa Wild Trek Resort ang apektadong bahagi ng kalsada. Patuloy ang pagguho ng malalaking bato kaya nananatiling delikado ang lugar para sa mga motorista at road workers.

Tinatayang ilang araw hanggang isang linggo ang maaaring kailanganin upang maalis ang mga bato at maibalik sa ligtas na kondisyon ang kalsada.

Nahihirapan ang mga tauhan ng DPWH sa clearing operations dahil sa patuloy na rockfall. Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na iwasang dumaan sa naturang ruta kung hindi kinakailangan.

Nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan sa mga biyahero na mag-ingat at unahin ang kanilang kaligtasan habang nagpapatuloy ang road clearing at restoration.

Magbibigay naman ang mga awtoridad ng karagdagang update habang umuusad ang clearing at pagkukumpuni ng kalsada. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here