Home NATIONWIDE 3 NPA remnants sumuko sa Caraga; mga armas at pampasabog isinuko

3 NPA remnants sumuko sa Caraga; mga armas at pampasabog isinuko

1
0

MANILA, Philippines -TATLONG remnants ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Philippine Army sa hiwalay na okasyon sa pagitan ng Agosto 22 at 26, isinuko rin ang mga armas at mga pampasabog. tumulong sa pagbawi ng mga explosives at iba pang war materiel sa Caraga Region.

“The series of surrenders underscores the growing impact of sustained government peace and security efforts and the troops’ commitment to reaching those who have chosen to abandon the armed struggle,” ang sinabi ni Brig. Gen. Benjamin Leander, commander ng 401st Infantry Brigade sa isang kalatas.

Noong Agosto 22, si Michael Anga-an, alyas Piko, isang mass supporter ng nalansag na Guerrilla Front 21 sa ilalim ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), sumuko sa tropa ng 36th Infantry Battalion (36IB) sa Barangay Bagyang, San Miguel, Surigao del Sur. isinuko rin niya ang isang improvised shotgun at dalawang rounds ng ammunition.

Ang isang NPA remnant, Roger Tana Gana, alyas Jake, dating Milisya ng Bayan member, sumuko sa 3rd Special Forces Battalion noong Agosto 25 sa Sibagat, Agusan del Sur. Isinuko rin niya ang isang homemade shotgun, isang Smith & Wesson .357 Magnum revolver, at .357 revolver na may anim na rounds ng ammunition.

Boluntaryong sumuko naman si Erwin Carasco Pedrablanca, alyas “Vincent,” sa 36IB noong Agosto 26 sa Cantilan, Surigao del Sur. Pinangunahan niya ang Army troops sa isang operasyon sa kaparehong araw na nagresulta sa pagbawi sa isang M14 rifle, anim na rifle grenades, at dalawang improvised explosive devices na may wires at switches sa Barangay Buntalid, Cantilan.

Sinabi ni Leander na ang accomplishments ay sumasalamin sa pinagsama-samang pagsisikap ng puwersa ng gobyerno, local stakeholders, at mga komunidad sa Surigao del Sur at Agusan del Sur.

Sa kaparehong kalatas, pinuri naman ni Maj. Gen. Marion Angcao, commander ng 4th Infantry Division, ang operating troops para sa mabilis na pagsuko ng tatlong dating rebelde.

Tiniyak naman ni Angcao sa mga mamamayan ng Caraga ang patuloy na paglutas ng Army para protektahan ang mga komunidad at hard-earned peace sa rehiyon. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here