Home NATIONWIDE Pagtatayo ng Sierra Madre Mountain Range Authority, apurahang isinusulong ni Speaker Dy

Pagtatayo ng Sierra Madre Mountain Range Authority, apurahang isinusulong ni Speaker Dy

1
0

MANILA, Philippines – Binigyang diin ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga kagubatan, watershed, at iba pang likas na panlaban sa dumaraming matinding sakuna, sa gitna ng mga pagbahang nararanasan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Kasabay ito ng pagpapatuloy ng mga pagpupulong ng technical working group ng House Committee on Government Enterprises and Privatization para sa panukalang paglikha ng Sierra Madre Mountain Range Authority (SMMRA).

Ayon kay Dy, may-akda ng House Bill No. 3538 na nagsilbing mother bill ng substitute measure, ang mga nagdaang pagbaha ay malinaw na hudyat na hindi maaaring ihiwalay ang kaligtasan ng mga komunidad sa pangkalikasang konserbasyon.

“Ang mga pagbaha na naranasan natin sa iba’t-ibang lugar ay isang malinaw na paalala na hindi natin maaaring paghiwalayin ang kaligtasan ng ating mga komunidad sa pangangalaga sa ating kalikasan,” pahayag ni Dy.

“Flood control cannot be about infrastructure alone. We also have to protect our forests, watersheds, and natural ecosystems because they form part of our first line of defense against the growing impact of extreme weather,” dagdag pa nito.

Pinangunahan ni Bukidnon Rep. Jose Manuel Alba ang pagpupulong ng technical working group para talakayin ang panukalang batas na layong magtatag ng SMMRA.

Sa ilalim ng substitute bill, ang SMMRA ang magsisilbing sentral na ahensya para sa polisiya, koordinasyon, at regulasyon sa pangangasiwa at ecological governance ng Sierra Madre Mountain Range. Babalangkasin din nito ang Sierra Madre Master Plan, sang 25-taong blueprint na nakabase sa science, ecosystem-oriented, at climate-resilient.

“Hindi sapat na kumilos lamang tayo kapag baha na ang mga kalsada at lubog na ang mga tahanan. We have to address the problem before the next storms come, and that means protecting the ecosystems that help absorb rainfall, regulate water, and reduce the vulnerability of our communities,” ani Dy.

Matatandaang ang pagtatatag ng SMMRA ay kabilang na rin sa mga prayoridad na hakbang ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na nakatuon sa pangangalaga sa Sierra Madre. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here