MANILA, Philippines – Hindi lamang usapin ng hinaharap ang epekto ng climate change, pahayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kasunod ng trahedyang dulot ng pagguho ng glacier sa Nepal.
“Climate change is no longer something we can speak about merely in the future tense,” ayon kay Cardinal David.
Tinukoy ng kardinal ang sakuna sa Himalayan region, malapit sa hangganan ng Nepal at Tibet, kung saan malaking bahagi ng glacier ang bumagsak sa lambak at nagdulot ng pagragasa ng tubig, putik, bato at iba pang debris.
Aniya, ang sakuna ay paalala na ang mga pangyayari sa kabundukan ay may direktang epekto sa mga pamayanang nasa ibaba.
Tulad ng nangyari sa Nepal, inihambing ito sa Kapampangan sa pagragasa ng lahat mula sa Mount Pinatubo matapos ang pagputok nito noong 1991.
Hinimok ni Cardinal David ang mga mananampalataya na ipanalangin ang Nepal, lalo na ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mga nasugatan, nawawala at lumikas dahil sa trahedya.
Binigyang-diin din ng kardinal ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa kalikasan.
Umabot na sa 350 ang nasawi sa insidente, habang patuloy ang search and rescue operations para sa 1,400 nawawala kabilang ang isang Pilipino, batay sa pinakahuling tala. Jocelyn Tabangcura-Domenden