Home ENTERTAINMENT Ashtine, na-realize ang gastos sa sakit, bet maging health conscious!

Ashtine, na-realize ang gastos sa sakit, bet maging health conscious!

1
0

Manila, Philippines – Sa isang panayam, nagbalik-tanaw si Ashtine Olviga tungkol sa humble beginnings niya sa showbiz.

Aniya, nagsimula raw siya noon sa pa-extra extra hanggang maging miyembro siya ng isang girl group.

Aniya, nahirapan daw siya noon dahil palipat-lipat siya ng grupo at nakatatlong girl groups na.

“Sobrang struggle ko ’yun kasi isa ’yun sa mga weaknesses ko, yung pagkanta at pagsayaw. Yung first love ko talaga is acting,” aniya.

Hirit pa niya, kulang din daw siya sa kumpiyansa sa sarili noon.

“Wala akong bilib sa sarili ko noon sa pagkanta at pagsayaw. Feeling ko, kino-compare ko yung sarili ko sa magaling,” paliwanag niya.

Later, na-realize raw niya na hindi niya dapat ikinukumpara ang sarili sa iba.

“Wala ka talagang competition dito sa showbiz. Sarili mo lang talaga,” pakli niya.

“You really have to believe in yourself kasi sa tagal ko sa showbiz, parang ngayon ko lang na-apply ’yon. Sobrang haba nung process,” dugtong niya.

Sa ngayon, goal daw niya ang maging health conscious.

Nakasanayan na raw kasi niyang kumain ng unhealthy o processed foods.

Na-realize raw kasi niya na mahirap at magastos ang magkasakit kaya naman gusto na niyang mag-start ng food regimen para ma-improve ang kanyang kalusugan. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here