Home NATIONWIDE Malalakas na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng Luzon sa Habagat

Malalakas na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng Luzon sa Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Makararanas ng malalakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon ngayong Sabado, Agosto 29 dahil sa epekto ng Habagat.

Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Benguet, Bataan, Zambales, Tarlac, at Pampanga ay magkakaroon ng monsoon rains dahil sa Habagat.

Ang Metro Manila, Ilocos Norte, Abra, Ifugao, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro ay may pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan naman dahil pa rin sa parehong weather system.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon, Western Visayas, at Negros Island Region ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa Habagat.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here