Home HOME BANNER STORY Tulay sa Tarlac gumuho sa malalakas na pag-ulan, agos ng ilog

Tulay sa Tarlac gumuho sa malalakas na pag-ulan, agos ng ilog

1
0

MANILA, Philippines – Gumuho ang bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City nitong Biyernes ng gabi, Agosto 28 dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa Habagat na sinabayan ng malakas na agos ng ilog.

Ang insidente ay nakuhanan pa sa CCTV bandang 11:56 ng gabi.

Inabisuhan ang mga motorista na maghanap na muna ng alternatibon ruta.

Sinabi ng Tarlac City Government na patuloy na minomonitor ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Public Order and Safety Office, City Engineer’s Office, at Department of Public Works and Highways ang kondisyon ng tulay upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here