Home NATIONWIDE Forced evacuation ipinatupad sa Marilao sa banta ng Habagat

Forced evacuation ipinatupad sa Marilao sa banta ng Habagat

3
0

MANILA, Philippines – Ipinatupad na ng lokal na pamahalaan ng Marilao, Bulacan ang forced evacuation sa mga apektadong komunidad sa pagtaas ng tubig baha dahil sa malalakas na ulan dala ng Habagat.

“Pinapaalalahanan ang lahat ng ating mga kababayan na nakatira sa mga mabababang lugar at malapit sa ilog na huwag nang magpadalagsa at sumunod agad sa mga rescuers at barangay,” ayon sa Marilao LGU.

“Patuloy ang 24/7 monitoring sa lagay ng panahon, mga pangunahing lugar, kalsada, waterways at mga lugar na posibleng maapektuhan, kasabay ng tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga barangay at iba pang concerned agencies,” dagdag pa.

Sa heavy rainfall warning ng PAGASA ay nananatili sa Red Rainfall ang babala sa naturang bayan mula pa nitong gabi ng Biyernes, Agosto 28. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here