Home NATIONWIDE Boto sa kandidatong nakansela COC ibibilang na ‘stray’ votes – Comelec

Boto sa kandidatong nakansela COC ibibilang na ‘stray’ votes – Comelec

3
0

MANILA, Philippines – Ituturing na ‘stray’ ang mga boto para sa isang kandidato o regional parliamentary political party, na ang certificate of candidacy ay kinansela sa pamamagitan ng final judgement, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ay matapos tanggihan ang Moro Ako Party at Anwar Salipada Alamada sa kanilang motion of reconsideration hinggil sa kanilang registration at accreditation sa unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections sa Setyembre 14.

Kung magiging final ang desisyon ng Comelec, walang restraining order mula sa Korte Suprema, lahat ng boto sa kanila ay stray, sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia sa ceremonial signing ng Memorandum of Agreement para sa BARMM election random manual audit.

Tinanggihan ng Comelec en banc ang kanilang motion for reconsideration dahil sa kawalan ng merito.

Tinanggihan din si Alamada sa kanyang motion of reconsideration sa pagkansela ng kanyang certification of candidacy (CO) bilang ika-5 kinatawan ng Maguindanao del Sur matapos makita ng ikalawang dibisyon na ang kanyang deklarasyon ng paninirahan ay “constitutes a false material representation intended to mislead the electorate and the Commission.”

Gayunpaman, sinabi ni Garcia na habang wala pang pinal na desisyon ang ikalawang dibisyon, maaari pa ring maghain ang mga kandidato ng temporary restraining order sa Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here