Home TOP STORIES Grupong iMK Leni, kinuwestiyon sinseridad ng gobyerno vs  katiwalian

Grupong iMK Leni, kinuwestiyon sinseridad ng gobyerno vs  katiwalian

6
0

Kinuwestiyon ng grupong iMK Leni ang sinseridad ng kampanya laban sa katiwalian ng gobyerno matapos tahimik na itulak ang panukalang CADENA Law sa backburner ng government’s legislative priorities.

“Kung seryoso talaga ang gobyerno laban sa korapsyon, bakit tila allergic itong unahin ang batas na pipigil dito bago pa man manakaw ang pera ng bayan?” sabi ni IMK Leni.

Kaugnay nito hinamon ng grupo si NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ipaliwanag kung bakit ang CADENA bill — na nilalayong palakasin ang transparency, accountability, at real-time na pampublikong pagsubaybay sa paggasta ng gobyerno — ay misteryosong nawala sa listahan ng prayoridad sa kabila ng paulit-ulit na pampublikong pangako sa malinis na pamamahala.

“Mahilig tayong magpa-hearing pagkatapos ng eskandalo. Pero kapag batas na pipigil sa korapsyon bago mangyari, biglang walang urgency. Fight corruption daw — basta huwag masyadong effective.”

Nanawagan din ang iMK Leni kay Pangulong Marcos Jr., Speaker Bodgie Dy na “isabuhay ang sinasabi” at agarang patunayan ang Batas ng CADENA bilang apurahan.

Nagbabala ang grupo na ang bawat pagkaantala ay nagpapalakas lamang ng hinala ng publiko na ginagamit ang retorika laban sa katiwalian bilang dekorasyon sa halip na patakaran.

“Kapag ang batas na magpapahirap magnakaw ay laging nasa hulihan ng pila, natural lang na magtanong ang taumbayan kung sino ba talaga ang pinoprotektahan.”

Hinimok ng IMK Leni ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, na kumilos nang mas aktibo sa paggigiit sa mga pinuno ng gobyerno na kumilos na ngayon sa halip na maghintay ng panibagong eskandalo sa katiwalian.

“Ang kinabukasan hindi hinihintay. Ipinaglalaban ito. Habang tahimik ang publiko, tuloy ang negosyo ng korapsyon.”

Samantala sinabi ni Elmer Argano secretary general ng grupong iMK Leni tinitignan ng publiko na plastik talaga ang mga taong nagpapatakbo ng gobyerno sa inyong kampanya laban sa korupsyon kapag tuluyan nitong ibaon sa simpleng listahan ang Cadena Law.

“We at iMK Leni urge all well-meaning Filipinos, especially the youth to rise and call out their leaders.The future cannot be carved tomorrow, but today” ayon kay Argano.

Sinabi pa ni Argano na hihingi sila ng suporta sa iba pang katulad na pag-iisip na mga grupo sa pag-install ng isang buong kampanya upang hikayatin ang publiko sa merito ng batas.

Kaugnay nito sinabi pa ni Argano na hindi ito isang simpleng pagsuporta sa isang batas na isinusulong ni Senador Bam Aquino. Ito umano ay panawagan para gawing mahirap, kung di man imposible, ang pangdarambong sa buwis na walang kalaban laban na kinakaltas nyo sa butas nang bulsa ng maraming Pilipino. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here