Home NATIONWIDE 7 pantalan may mga stranded na pasahero sa sama ng panahon –...

7 pantalan may mga stranded na pasahero sa sama ng panahon – PCG

1
0

MANILA, Philippines – Pitong pantalan o daungan ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) na may mga stranded na pasahero bunsod ng epekto ng Habagat.

Sa pinakahuling tala ng PCG mula alas-12 ng hating gabi hanggang alas-4 ng umaga nitong Agosto 31, umabot sa 48 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded mula sa pitong pantalan.

Bukod dito, stranded din ang 10 barko, 12 tugboats at 10 barge na naghanap ng ligtas na lugar.

Partikular na apektado ng Habagat ang mga pantalan sa Southern Tagalog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here