Home NATIONWIDE PCG nagsagawa ng rescue, preemptive evacuation sa 15,800 residente sa Luzon sa...

PCG nagsagawa ng rescue, preemptive evacuation sa 15,800 residente sa Luzon sa banta ng Habagat

2
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng mga rescue at preemptive evacuation sa mahigit 15,800 residente sa Luzon ang Philippine Coast Guard (PCG).

Sa gitna ito ng malawakang pagbaha sa ilang lalawigan matapos ang pag-ulan na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na sabay-sabay ang mga rescue operation na ginawa ng mga response team ng Coast Guard pati ang pre-emptive evacuation sa mga apektadong komunidad.

Sa naturang operasyon, sinabi ni Cayabyab na pinapakita ng mga kasalukuyang operasyon ang pinalakas na kakayahan ng PCG sa Humanitarian Assistance and Disaster Response at ang mas mataas nitong kahandaan sa pagtugon sa mga emergency.

Samantala, sinabi ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na ang mas pinahusay na kahandaan ng PCG ay bunga ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na gawing moderno ang PCG sa pamamagitan ng pagkuha ng karagdagang kagamitan at tauhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here